5K SENIOR TUMANGGAP NG 6-BUWAN SOCIAL PENSION

BUONG anim na buwan na social pension ang tinanggap ng may 5,000 senior citizens ng San Juan mula Enero hanggang ngayong Hunyo.

Ipinamahagi ng Department of Social Workers and Development (DSWD) ang halagang P3,000 para sa bawat seniors ng nasabing lungsod.

Umabot sa kabuuang P16,227,000.00 ang halagang naipamahagi na ginanap sa Atrium ng City hall.

“Limang araw po ang ating inilaan sa distribusyon, mula May 29 hanggang June 2 kasama ang mga kawani ng DSWD-NCR at ang ating CSWD at Office of the Senior Citizens (OSCA) upang masigurong maayos at kumpleto nating maiabot ang kanilang social pensions,” ani Mayor Francis Zamora.

“Mahal po natin ang mga San Juaneñong senior citizens, at lubos po namin kayong pinahahalagahan sa ating Makabagong San Juan!, dagdag pa nito.   ELMA MORALES