5K STAKEHOLDERS NG PETCs NANAWAGAN KAY DUTERTE

Private Emission Testing Centers

NANAWAGAN  kay Pangulong Rodrigo R. Duterte ang stakeholders na nabibilang sa industriya ng Private Emission Testing Centers (PETCs) na suspindihin ang pagpapatupad ng Department of Transportation (DOTr) Order No. 2019-002 na nirebisa sa pamamagitan ng DOTr’s Memorandum Circular No. 2019-009.

Sa pahayag ni Macario Evangelista, Jr., pangulo ng grupong Alagaan Natin Inang Kalikasan na kapag ipinatupad ang D.O. No. 2019-002 (Revised Order on Privatizing the Motor Vehicle Inspection Centers) (PMVICs)  ay mangangahulugan ng kawalan ng trabaho ng 5,000 manggagawa nito at maaapektuhan din ang 25,000  miyembro ng kanilang pamilya. Tataas din ang testing fee sa ikaapat na beses mula sa kasalukuyang signal.

“Ang siste, itong mga bagong patakaran ay nagpapakita ng pagkiling ng ilang matataas na opisyal ng DOTr sa mamahaling Eu-ropean technology suppliers, pinapaboran ang pag-grant ng emission inspection centers sa piling mayayamang indibiduwal na ka­yang magbigay ng initial bond na P10 milyon at agad iisyuhan ng provisional authorizations kahit walang ipinasang legal docu-ment (business permits, articles of incorporation, financial statements, BIR licenses) maliban sa application forms,” dagdag pa ni Evangelista.

“Mapapatunayan ng PETCs na sila’y may kakayahang makakuha ng puhunan upang pumantay sa pagiging PMVIC gamit ang Asia-based technology na kapantay ng European counterparts,” ayon pa kay Evangelista.

Nangako naman ang nabanggit na grupo na kapag pinayagan sila na maging PMVICs ay haharapin nila ang hamon na walang karagdagang singil sa mga motorista dahil ang kanilang makabagong teknolohiya ay tugon sa mandato ng DOTr sa road safety at air polution control.     MHAR BASCO

Comments are closed.