5K TAXI FRANCHISE BUBUKSAN

TAXI

MAY 5,000  franchise ng taxi ang planong buksan ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para masolusyunan ang nararanasang kakula­ngan ng masasakyang taxi.

Inianunsiyo ito  ni LTFRB Chairman Martin Delgra III sa kanilang Facebook account kahapon.

Sinabi ni  Delgra na  bukod sa planong pagbubukas ng 5,000 franchises ng taxi, marami na ring bumibiyaheng mga Transportation Network Vehicle Service (TNVS) ngayon sa Metro Manila.

“Gusto naming dagdagan ang bilang ng mga public utility vehicles sa mga kalsada, (taxi) upang makapagserbisyo sa mga pasahero sa kalsada,” saad ni Delgra.

Sa panig naman  ng Metro Manila Taxi Operators (MMTO), welcome development ang pahayag ni Delgra sa taxi industry.

Matagal nang hinihintay  ng  taxi operators ang pagbubukas ng prangkisa  dahil ilan sa kanila ay  magdadagdag ng mga unit dahil kulang na kulang ang mga taxi sa kalsada para magserbisyo sa mga pasahero.

Sang-ayon naman ang Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) sa sinabi ni Delgra tungkol sa plano ng LTFRB na buksan ang franchise ng taxi.

Comments are closed.