NANGANGAMBA ang Department of Labor and Employment (DOLE) na may lima hanggang 10 milyong Pinoy ang maaaring mawalan ng trabaho sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa pagdinig ng Senado sa COVID-19 updates, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 2.6 milyong manggagawa na ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pansamantalang pagsasara ng ilang negosyo.
“Our estimate is that we might lose about more than four to five million jobs… Karamihan po ‘yan sa service sector. Malaki po ang tourism, ‘yung allied businesses like restaurants, then transportation,” wika ni Bello
Nang tanungin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kung maaari pang umabot sa 10 million ang mga mawawalan ng trabaho, sinabi ng labor chief na, “I hate to say it but it’s possible.”
Sinabi ni Bello na plano ng DOLE na palawakin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers program nito para matulungan ang mga mawawalan ng trabaho.
Aniya, bahagi rin ng post-pandemic recovery plan na mag-udyok ng trabaho sa pagtutulak ng pagpapatupad sa mga nakabimbing infrastructure project.
“We have talked to the leaders of the construction industry that when they start implementing these contracts, they should increase their workers by 10% to 20%,” dagdag pa ni Bello.
Comments are closed.