5M PINOY DARAGSA SA 118 SEMENTERYO SA METRO

sementeryo

KASUNOD ng deklaras­yon ng  full alert status ng Philippine-National Police-National Capital Regional Police Office (PNP-NCRPO) para tutukan ang seguridad ng tinatayang 5 milyong Filipino na dadagsa sa may 118 sementeryo at columbarium sa Ka­lakhang Maynila.

Partikular na pinatutukan ni NCRPO Director, Brig. Gen. Debold Sinas ang Manila North Cemetery na tinatayang aabot sa 2 milyon ang mga bibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay simula nga­yong umaga hanggang sa Nobyembre 2, 2019.

Ayon sa opisyal, target niyang matiyak na ligtas ang gagawing paggunita ng sambayanang Filipino sa Todos los Santo.

Sa press briefing araw ng Martes, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Debold Sinas na walang pa silang natatangap na validated security threat sa Metro Manila.

Subalit ipinag-utos nito na palakasin pa lalo  ang intelligence-gathering para mapigilan ang posibleng banta o mga pag-atake sa 118 semen­teryo at columbarium sa metropolis.

Nabatid na tinata­yaang aabot sa 4,233 pulis ang ide-deploy sa mga sementeryo kabilang ang mga tatao sa Police Assistance Desks (PADs) na aayuda sa mga commuters at motorista. VERLIN RUIZ

Comments are closed.