.5M WORKERS NA-REGULAR SA TRABAHO MAGMULA NOONG 2016

Sec Silvestre Bello III-2

MAHIGIT kalahating milyong manggagawa ang na-regular sa trabaho mula noong 2016.

Sa budget briefing ng Department of Labor and Employment (DOLE), ibinida ni Sec. Silvestre Bello III na ang pagtaas ng bilang ng mga na-regular sa trabaho ay resulta ng pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Sa kalahating milyong na-regular na empleyado, 65% nito ay resulta ng pagkukusa ng kanilang mga employer.

Gayunman, aminado si Bello na marami pang kaila­ngang gawin ang DOLE upang mapasunod ang mga employer na gawing regular ang kanilang mga empleyado.

Samantala, 10 programa ng DOLE ang natapyasan ang pondo para sa susunod na taon.

Ito ay dahil bumaba sa P14.42 billion ang 2020 budget ng DOLE mula sa kasaluku­yang pondo na P16.36 billion.

Kabilang sa mga nabawasan ang pondo ay ang Government Internship Program (219%), Child Labor Prevention and Elimination Program (66%), Adjustment Measures Program (52%), Tulong Panghanapbuhay (30%), Labor Market Information (28%), Public Employment Service (18%), at Onsite Welfare Services for OFWs (8%).

Kung may natapyasan, may nadagdagan namang pondo na kinabibilangan ng Labor Laws Compliance, DOLE Integrated Livelihood Program, Jobstart Philippines, job fairs, PhilJobNet, at career guidance employment coaching program.    CONDE BATAC

Comments are closed.