NANINIWALA si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na maghahatid ng pag-asa sa sambayanan ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.
Inaasahan ni Go na magkakaloob ang Pangulo ng konkretong plano at mga panukalang magpapalakas sa pagsisikap ng gobyerno upang malabanan ang krisis dulot ng COVID-19.
“I am expecting that the President will focus his 5th SONA on measures (1) to strengthen our fight against the ongoing COVID-19 pandemic, (2) to address the needs of the people to overcome the hardships that the crisis has caused in everyone’s lives, and also, (3) to sustain the gains of the Duterte Administration’s promise of a comfortable life for all despite the challenges that we are facing,” pahayag ni Go.
“Our goal now is not only to adapt to the ‘new normal’, but to lead our country towards a ‘better normal’ and better quality of life,” dagdag nito.
Samantala, isinusulong ni Go ang pagkakaroon ng electronic o e-governance.
Ayon sa senador, napapanahon ang e-governance lalo’t may kinakaharap na pandemya ang bansa sa COVID-19.
Bukod dito, sinabi ni Go na malalabanan pa ang red tape o korupsiyon sa pamahalaan.
“Having a transparent, efficient and responsive delivery of government services is key to reducing corruption and empowering the people to exact accountability from public servants,” pahayag nito.
“Hindi lamang po malaki ang magiging papel ng e-governance na maka-adapt ang bansa sa pagdating ng ‘new normal’, mas mapabibilis din po nito ang mga proseso at transaksiyon sa gobyerno towards a ‘better normal’ when it comes to government service delivery,” dagdag ni Go.
Mas magiging epektibo aniya ang paghahatid ng serbisyo sa mga tao at mas magiging komportable ang pang-araw-araw na transaksiyon sa gobyerno.
“Bukod sa iniiwasan natin ang face-to-face transactions ngayon dahil sa COVID-19, mababawasan din ang personal interaction na madalas nagiging sanhi ng red tape at korupsiyon sa gobyerno,” dagdag ni Go. VICKY CERVALES
Comments are closed.