Standings W L
Benilde 8 2
LPU 8 3
JRU 5 2
Letran 7 3
San Beda 6 3
Arellano 4 5
Perpetual 4 6
SSC-R 3 5
Mapua 2 9
EAC 1 10
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – SSC-R vs JRU
3 p.m. – Arellano vs Letran
PUNTIRYA ng defending two-time champion Letran ang ika-5 sunod na panalo sa pagsagupa sa Arellano University sa NCAA men’s basketball tournament ngayon sa Filoil EcoOil Centre.
Makaraang magsilbi ng kanilang two-game suspensions para sa unsportsmanlike conducts, pinangunahan nina veterans Brent Paraiso at Mark Sangalang ang Knights sa pagkopo ng ika-4 na sunod na panalo upang manatili sa Final Four range.
May 7-3 record, ang Letran ay angat ng kalahating laro sa fifth-running San Beda.
Sisikapin ng Knights na maiganti ang kanilang 69-72 first round loss sa Chiefs — ang unang kabiguan ng Muralla-based squad magmula noong 2019 — sa larong nakatakda sa alas-3 ng hapon.
Umaasa ang Jose Rizal University, maglalaro sa unang pagkakataon magmula nang gapiin ang Lyceum of the Philippines University dalawang linggo na ang nakalilipas, na mapanatili ang momentum ng kanilang impresibong 5-2 simula sa pagharap sa San Sebastian sa alas-12 ng tanghali
Ang showdown sa Stags ay bahagi ng first round schedule ng Bombers. Tatapusin ng JRU ang first round assignments nito kontra league-leading College of Saint Benilde sa Miyerkoles.
Ang Arellano ay nasa sixth place na may 4-5 record, two-and-a-half games sa likod ng Letran sa karera para sa huling Final Four berth.
Tangan ng San Sebastian, sasalang sa kanilang huling first round game, ang 3-5 kartada sa eighth spot.
Sa kanilang standing, kailangang mag-ipon ng panalo ang Chiefs at Stags kung nais nilang umabante sa susunod na round.