Mga laro ngayon:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – NorthPort vs Meralco
7:30 p.m. – Converge vs Terrafirma
NAGING matagumpay ang pagbabalik ni Jordan Adams sa San Miguel Beer sa pagkamada ng 49 points sa 139-127 panalo kontra Phoenix Super LPG sa PBA Governors’ Cup nitong Biyernes sa Araneta Coliseum.
Pinalitan ni Sheldon Mac nang huling maglaro ang Beermen, walang sinayang na oras si Adams upang ipakita na karapat-dapat siyang manatili nang igiya ang koponan sa dalawang 20-point leads tungo sa ikalawang sunod na panalo at 5-2 record sa Group B.
“Most important, we got the win. I just went out there and played hard, just try and get the win for my teammates,” sabi ni Adams, na nagtala rin ng 11 rebounds at 3 assists habang tinampukan ang kanyang performance ng pares ng four-pointers.
Halatang ikinatuwa ni winning coach Jorge Gallent ang ipinakita ni Adams, subalit ipinaliwanag na kailangan munang subukan ang Mac experiment.
“We talked to Jordan about it, we just wanted to try… other guys,” aniya.
“Unfortunately, it backfired. Sheldon Mac played well against NLEX but we decided again to bring Jordan back. So it was great,” dagdag ni Gallent. “But what’s nice about Jordan, he was professional enough to stay with us and to play with us again.”
Sa kanyang panig, sinabi ni Adams na walang naging problema sa kanya nang sabihan siya na hindi siya lalaro kontra NLEX noong nakaraang Miyerkoles kung saan umiskor si Mac ng 16 points sa 119-114 panalo ng SMB.
“I just had to stay ready. They told me to stay ready, you never know what could happen, so that’s my job as a professional, to stay in the gym and be ready for when my name will be called,” ani Adams.
Hindi lamang si Adams ang kuminang para sa SMB na ipinalasap sa Phoenix ang ika-7 kabiguan.
Nagdagdag si CJ Perez ng 23 points, nagtala si June Mar Fajardo ng double-double na 22 points at 11 rebounds habang perfect 10-of-10 mula sa field, at kumana si Marcio Lassiter ng 16 points, tampok ang apat na triples.
Nagbuhos si Brandone Francis ng 48 points subalit hindi nakakuha ng sapat na suporta mula sa locals kung saan tanging sina Jason Perkins (18 points), Raul Soyud (12 points) at Ricci Rivero (11 points) ang iba pang double-digit scorers para sa Phoenix.
CLYDE MARIANO
Iskor:
SAN MIGUEL (139) – Adams 49, Perez 23, Fajardo 22, Lassiter 16, Cruz 9, Trollano 8, Romeo 5, Tautuaa 4, Ross 3, Rosales 0, Brondial 0, Manuel 0, Teng 0.
PHOENIX (127) – Francis 48, Perkins 18, Soyud 12, Rivero 11, Muyang 9, Tio 8, Salado 6, Jazul 5, Tuffin 5, Ballungay 3, Alejandro 2, Ular 0, Daves 0, Garcia 0, manganti 0, Verano 0.
QUARTERS: 32-29, 67-55, 103-88, 139-127