PASOK ang tira ni Brooke Van Sickle ng Petro Gazz laban sa manlalaro ng Capital 1 sa PVL All Filipino conference sa Philsports, Pasig. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro sa Martes:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PLDT vs Akari
6 p.m. – Choco Mucho vs Galeries Tower
NANATILI ang Chery Tiggo at PetroGazz sa loob ng top four range makaraang gapiin ang kani-kanilang katunggali sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena.
Rumolyo ang Crossovers sa ikatlong sunod na panalo makaraang malusutan ang first-set loss laban sa Nxled, 23-25, 25-23, 25-16, 25-20, habang winalis ng Angels ang Capital1, 25-11, 25-19, 25-14.
Tumatag ang kanilang posisyon sa namumuong six-team semifinal battle, ang Chery Tiggo at PetroGazz ay umangat sa 5-2.
Nanguna si Mylene Paat para sa Crossovers na may 15 points, kumana si Cess Robles ng 2 blocks para sa 11-point outing habang gumawa si setter Alina Bicar ng 17 excellent sets at nakakolekta ng 13 digs.
Nagtala si Eya Laure ng 12 points, kabilang ang 4 blocks, at 13 receptions bago inilabas sa fourth set.