6-0 SINAKMAL NG TIGRESSES

TINANGKANG iwasan ni Angge Poyos ng UST sina Jan Baclay at Steph Bustrillos sa kanilang laro sa UAAP women’s volleyball kahapon. UAAP PHOTO

Mga laro sa Sabado:
(Smart Araneta Coliseum)

10 a.m. – DLSU vs NU (Men)

12 noon – AdU vs UST (Men)

2 p.m. – DLSU vs NU (Women)

4 p.m. – AdU vs UST (Women)

NALUSUTAN ng University of Santo Tomas ang matinding net defense ng University of the Philippines upang maitarak ang  25-20, 25-22, 26-24 panalo at lumapit sa pagkumpleto sa first round sweep sa UAAP women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Sa kabila ng pagliban ni league’s leading blocker Niña Ytang, ang Fighting Maroons ay nakapagtala ng 10 blocks.

Gayunman, nakahanap pa rin ng paraan ang Tigresses upang gibain ang defensive wall ng katunggali at hilahin ang kanilang perfect run sa anim na laro.

“Reminder lang sa akin ni coach (Kungfu Reyes) noong crucial (part) na mind over matter kasi nga nahuli na ako,” sabi ni rookie Angge Poyos, na dinugo sa 18-of-49 attacks upang tumapos na may match-best 22 points.

“Ginawan namin ng paraan every set and thankful pa rin kasi nakuha namin ang panalo,” dagdag pa niya.

Sisikapin ng UST na makumpleto ang first round sweep magmula noong 2006-07 season sa pagsagupa sa Adamson sa Sabado sa  Smart Araneta Coliseum.

Noong championship season, ang Tigresses ay unbeaten sa anim na first round matches sa ilalimni  legendary coach August Santamaria.

Sa sumunod na laro, bumanat si Lyann de Guzman ng 22 kills at nakakolekta ng 9  digs at 8 receptions habang umiskor din si Sobe Buena ng 22 points, kabilang ang match-clinching spike at bumawi ang Ateneo mula sa  third set meltdown upang gapiin ang Adamson, 25-19, 25-19, 22-25, 26-23, at makatabla ang kanilang biktima sa 2-4 sa fifth place.

Nagtala si Xyza Gula ng 12-of-21 spikes at nagpakawala ng dalawang service aces upang tumapos na may 14 points na sinamahan ng 12 receptions at  10 digs para sa Tigresses.

Sa 0-6, ang Fighting Maroons ay nasa kanilang pinakamasamang simula magmula noong  2013-14 season, kung saan sinimulan din nila ang kanilang kampanya na may anim na sunod na talo.

Nanguna si Steph Bustrillo para sa UP na may 14 points, kabilang ang 3 blocks.