6-0 TINUNGGA NG BEERMEN

TINANGKANG pigilan ni Justin Arana ng Converge si June Mar ­Fajardo ng San Miguel sa kanilang laro sa PBA Philippine Cup kahapon sa ­Philsports Arena. PBA IMAGE

Mga laro ngayon:
(Ynares Arena-Pasig City)

3 p.m. – Phoenix vs NLEX

(Tiaong Convention Center)

6:15 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

NAPANATILI ng San Miguel ang malinis nitong kartada makaraang pataubin ang Converge, 112-103, sa PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena.

Umiskor ang Beermen ng 51 points sa third quarter upang burahin ang  43-50 halftime deficit tungo sa pagkopo ng kanilang ika-6 na sunod na panalo upang kunin ang no. 1 spot sa  team standings.

Nanatiling walang panalo ang Converge sa walong laro sa kabila na matikas na nakihamok sa San Miguel sa first half.

Nanguna si Marcio Lassiter sa paghahabol ng San Miguel sa pagtala ng 17 sa kanyang 19 points sa naturang key third quarter na nagbigay sa Beermen ng 94-70 kalamangan.

Naipasok din ni Lassiter ang lahat ng kanyang limang tres sa second half makaraang magmintis sa kanyang unang apat na three-point shots.

“We just started bad again,” sabi ni San Miguel coach Jorge Gallent. “It was like the Terrafirma game when we had a long, long break and in the first quarter, we lacked energy, which happened again.”

“But just like what I tell my players, the game is not finished in the first half so you have to pick up in the second half which everybody did especially (Marcio),” sabi pa ni Gallent.

Nagposte si CJ Perez ng 25 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Don Trollano ng 19 points at 8 rebounds para sa San Miguel, na nakakuha rin ng 14 points, 17 rebounds, at 4 blocks mula kay June Mar Fajardo.

Nagbuhos si Alec Stockton ng career-high 36 points para sa FiberXers.

CLYDE MARIANO

Iskor:

San Miguel (112) – Perez 25, Lassiter 19, Trollano 19, Romeo 18, Fajardo 14, Teng 4, Brondial 4, Tautuaa 4, Brondial 4, Manuel 2, Ross 0.

Converge (103)  – Stockton 36, Arana 18, Santos 14, Caralipio 13, Maagdenberg 6, Nieto 6, Melecio 3, Vigan-Fleming 3, Fornilos 2, Winston 2, Delos Santos 0, Andrade 0, Ambohot 0, Zaldivar 0.

QS: 20-29; 43-50; 94-70; 112-103.