6.24 MILYON NASAWI SA COVID-19 SA BUONG MUNDO

NASA 6.24 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patients sa buong mundo.

Sa pinakahuling tala, umakyat na sa kabuuang 6,242,265 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,018,316.

Sumunod na ang Brazil na may 662,663 na nasawi bunsod ng pandemiya.

Nasa 522,193 naman ang nasawi sa India habang 374,734 sa Russia. Sa Mexico – 324,117, Peru – 212,724, United Kingdom – 173,352, Italy – 162,609, Indonesia – 156,067, France – 145,020, Iran – 140,952.

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 509,241,172 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 461,783,937 naman ang total recoveries o mga gumaling sa COVID-19 pandemic sa buong mundo. RIZA ZUNIGA