LALAGO ang ekonomiya ng bansa ng 6.3 percent sa third quarter ng taon, batay sa pagtaya ng isang ING Bank NV Manila Branch economist.
Mas mataas ito sa 6 percent na naitala sa second quarter dahil sa mas malakas na government spending.
“We may have to see government spending step in to offset a projected slowdown in consumption,” pahayag ni ING Bank NV Manila Branch senior economist Nicholas Mapa.
Ang nasabing growth projection ay mas mababa sa 6.5-6.9 percent output target.
Sa first half ng taon, ang ekonomiya ay lumago ng 6.3 percent, kung saan ang first quarter figure ay nasa 6.6 percent at ang second quarter ay 6 percent.
“Spending is not expected to disappoint and ‘appears they are up to the task, posting a 33 percent increase in primary expenditure for the quarter’,” wika ni Mapa.
Aniya, ang investment ay nakikita ring mag-aambag sa paglago bago pa man tuluyang umarangkada ang ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte.
“Double digit expansion in capital goods and raw materials imports points to the continued pace of the nascent Philippine investment led growth cycle,” sabi pa niya.
Samantala, sa pagtaya ng economist ay hihina ang household spending, na dating major driver ng paglago, dahil sa mataas na inflation rate at pagsirit ng interest rates.
Tinukoy rin niya ang lumalaking trade gap na resulta ng pagsipa ng importation sa harap ng lumalaking pangangailangan ng domestic economy, lalo na ang massive infrastructure program ng pamahalaan.
“The trade gap will be a drag on overall growth as exports remains anemic despite the peso’s weakness,” dagdag pa ni Mapa.
Samantala, sinabi niya na patuloy na lalago ang imports kung saan ang lahat ng sub components ay hindi nagpapakita ng palatandaan ng pagbagal.
Sa kabuuan, nananatili siyang kumpiyansa na lalago ng mahigit 6 porsiyento ang ekonomiya ng bansa. PNA
Comments are closed.