HINDI nagbago ang Philippine economic growth forecast ng World Bank para sa 2019.
Sa ‘Global Economic Prospects’ report nito, sinabi ng World Bank na nakikita pa rin nito na lalago ang ekonomiya ng Filipinas sa 6.4 percent ngayong taon.
“Domestic demand will continue to benefit from favorable financing conditions amid low inflation and rising capital flows in Cambodia, the Philippines, Thailand, and Vietnam,” ayon sa World Bank .
“Philippines will profit from large public infrastructure projects coming onstream in 2020-21,” sabi pa ng multilateral lender.
Noong Abril, inanunsiyo ng World Bank ang growth forecast nito para sa Filipinas sa 6.4%.
Bagama’t pinanatili ang economic outlook nito para sa Filipinas, naniniwala naman ang WB na babagal kapwa ang regional at global economic growth dahil sa iringan ng China at Estados Unidos.
“Growth in East Asia and Pacific is slowing, largely due to a deceleration in China, and is projected to ease to 5.9% in 2019. This is the first time since the 1997-1998 Asian financial crisis that growth in the region has dropped below 6%.”
Nakasaad pa sa parehong report na lalago ang global economy ng 2.6% ngayong taon, mas mabagal sa 2.9% na naunang ina-nunsiyo.
“Current economic momentum remains weak, while heightened debt levels and subdued investment growth in developing economies are holding countries back from achieving their potential,” sabi ni World Bank Group president David Malpass.
Comments are closed.