6.5M JOBS LILIKHAIN NG ‘BBB’ PARA SA MGA APEKTADO NG COVID-19

DPWH Secretary Mark Villar

AABOT sa 6.5 milyong trabaho ang maibibigay sa taumbayan bago matapos ang taong ito bunsod ng malalaking proyek-tong ipinagawa ni Pangulong Rodrigo Dueterte.

Sa ilalim ng ambisyosong ‘Build Build Build’ program ng administrasyong Duterte na pina­ngungunahan ni Department of Public Works and Hig-ways(DPWH) Sec. Mark Villar sa iba’t ibang lalawigan sa bansa, nasa 911,034 trabaho ang nilikha noong 2016 hanggang sa lomobo ito sa 1,196,555 sa taong 2017 at 1,714,905 noong 2018, samantalang sa 2019 ay umabot naman ito sa 1,226,023.

Ayon kay Villar, ang mataas na bilang ng mga indibidwal na nabigyan ng trabaho ay bunga ng malaking pondong inilaan ng gobyerno sa loob ng apat na taong ginawa ang malawakang imprastraktura na itinuturing na flagship project ng kasalukuyang administrasyon bagama’t bu­magal ang kon-struksiyon nito ngayong taon dahil sa epekto ng pan-dem­yang COVID-19.

“This year, although we have slowed down a little bit due to CO­VID-19 pandemic, an estimated 1,525,342  jobs will be generated from the 2020 budget,” ani Villar.

Idinagdag pa ni Villar na hindi lamang konstruksiyon  ng mga kalsada, tulay at iba pang proyekto ang layunin ng pro-grama.

Nakatuon  din, ­aniya, ito sa pagbibigay ng hanapbuhay sa 6 mil­yong informal workers na lubhang apektado ng di-naranas na krisis dulot ng COVID-19.

NORMAN LAURIO

Comments are closed.