6-8 GOLDS TARGET NG PINOY JINS SA SEAG

PINOY JINS

DAHIL kumpiyansa sa kakayahan ng mga Pinoy, sinabi ni Philippine Taekwondo Association executive director Sung Chon Hong na anim hanggang walong ginto ang target niya sa 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyenbre 11.

“Modesty aside, that is my target and I am pretty optimistic they will do it because they have the skills, battle-tested and well-experienced competed in numerous overseas competitions and trained in Korea under Korean coach,” sabi ni Hong.

“Also our men and women poomsae teams are strong and capable of winning the gold. They won bronze in the last Asian Games in Indonesia and I am pretty optimistic they will do it because they will be inspired playing before their countrymen,” wika ni Hong.

Ayon kay Hong, hindi pa nabobokya ang mga Pinoy mula nang unang laruin ang taekwondo sa SEA Games noong 1987 sa Indonesia.

“Taekwondo is a consistent winner and our fighters are dead serious and determined to preserve the good record in the SEA Games. Our jins will be inspired to win because SEA Games will be held in the Philippines,” aniya pa.

Sinabi pa ni Hong na bibigyan niya ng mahabang exposures sa labas ng bansa ang mga Pinoy jins at muling mag-eensayo ang mga ito sa Korea para  mahasa nang husto at lumawak ang karanasan bago sumabak sa SEA Games.

Kasama sa medal prospects ang mga beteranong sina Filipino-American Samuel Harper Morrison, Brazil Olympian Kirstie Alora, Christopher Uy, Pauline Lopez at ang poomsae team Jerom Dominguez, Rodolfo Reyes Jr., at Justine Mella at ang women squad nina Rina Babanto, Juvenile  Faye Crisostomo at Janna Dominque Oliva.

Ang pinakamagandang showing ng taekwondo sa SEA Games ay noong 1991 sa Manila nang humakot ito ng pitong golds, dalawang silvers at limang bronzes. CLYDE MARIANO

One thought on “6-8 GOLDS TARGET NG PINOY JINS SA SEAG”

  1. 969024 43012This website can be a walk-through its the information you wanted concerning this and didnt know who to ask. Glimpse here, and you will undoubtedly discover it. 855279

Comments are closed.