TARGET ng Department of Health (DOH) na mabigyan ng anti-polio vaccine ang 6.8 milyong kabataan sa bansa.
Pahayag ito ng DOH kasabay ng babala sa publiko na posibleng dumami o bumalik ang sakit na polio dahil sa pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna laban dito.
Ang polio ay sakit na nakakahawa na nagmumula sa poliovirus na nakaaapekto sa utak at spinal cord ng isang indibiduwal.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque, ang mga kadalasang nagiging biktima nito ay mga bata.
Dahil dito ay nagsagawa ang DOH ng synchronized polio vaccination sa mga batang limang taong gulang pababa.
Nagpaalaala ang DOH sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at ang kanilang pangangatawan upang hindi mahawahan ng virus.
Nanawagan nitong Sabado ang DOH sa mga magulang na payagang mabigyan ng anti-polio vaccine ang kanilng mga anak, matapos na masuri ang mga sewage sa Manila na nagtataglay ng virus na magdudulot ng polio.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, positibo sa vaccine-derived poliovirus (VDPV) ang mga duming umaagos sa katubigan sa Maynila na inilarawan ng World Health Organization (WHO) sa kanilang website na: “an excreted vaccine-virus that can continue to circulate for an extended period of time.”
Comments are closed.