6 AIRPORTS SA MINDANAO HAHAWAKAN NG BARMM

CAAP

PORMAL na inilipat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang anim na airports sa Mindanao sa pangangasiwa ng Bansang Autonomous Region of Muslim Minadanao (BARMM).

Ito ay alinsunod sa itinatag na BARMM Ministry of Transportation Transportation and Communications (MOTC) noong nakaraang administrasyon.

Kasabay nito, nilagdaang ng DOTr at opisyal ng BARMM Ministry of Transportation and Communication (MOTC) ang memorandum of agreement na may kinalaman sa pormal na paglilipat sa assets at functions ng mga paliparang ito.

Ang anim na airport ay ang Cotabato Airport (Awang) sa Cotabato City, Sanga-Sanga Airport sa Tawi-Tawi, Jolo Airport sa Sulu, Wao Airport sa Lanao del Sur, Mapun Airport sa Mapun, Tawi-Tawi, at Malabang Airport sa Lanao del Sur.

Ang naturang MOA ay batay sa nakasaad sa Republic Act No. 11054, o kilala sa tawag na Bangsamoro Organic Law (BOL) o pagkatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
FROILAN MORALLOS