LA UNION- PATAY ang isang paslit na babae makaraang masabugan ng dinamita sa bayan ng Agoo.
Sa lakas ng pagsabog, tumilapon ang katawan ng biktima sa layong 17 metro.
Nasira rin ang sa kongkretong pader ng makabilang bahay, at nabasag ang salamin sa bintana ng isa pang bahay, at nauka ang bubungan.
Nangyari ang malagim na trahedya sa pamilya Aspillaga sa mismong araw ng bagong taon.
Ayon sa ama ng biktima, natutulog siya nang mangyari ang pagsabog.
Pero bago umano siya matulog, nakita niya ang anak na naglalaro sa labas ng kanilang bahay.
“Possible na nakaimbak lang yung bagay na sumabog doon sa bahay. Mangyaring ito ay sinindihan o ginalaw o may ginawa para ito ay sumabog,” ayon kay Police Major Freddie Lorenzo, Deputy Chief ng Agoo Police Station.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng sumabog na bagay na posibleng managot sa nangyaring insidente.