6 BARKO NG PCG INIHAHANDA PARA SA BALIKATAN EXERCISES

IPINAG-UTOS ni Philippine Coast Guard Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ang Coast Guard Fleet na ihanda ang anim na barko para lumahok sa 39th Iteration ng annual “Balikatan Exercise” na gagawin sa darating na Lunes.

Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasali ang Coast Guard sa “Balikatan Exercise.”

Kabilang sa mga gagamitin ng PCG sa Balikatan Exercises ay ang apat na 44-meter multi-role response vessels at ang dalawang malaking patrol vessels na regular na ginagamit sa maritime security operations ng exclusive economic zones ng bansa.

Inatasan na rin ng PCG ang mga miyembro ng Coast Guard Special Operations Force na lumahok sa joint interoperability exercises.

Maliban sa PCG, lalahok din ang Philippine Navy at kanilang mga counterparts mula Australia, France at U.S.
P. ANTOLIN