6 BIKTIMA NASAGIP SA CRYPTO TRAFFICKING SYNDICATE

PAMPANGA- NAILIGTAS ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport (CIA) ang anim na biktima ng Cryptocurrency Trafficking Syndicate sa lalawigang ito.

Batay sa impormasyon pasakay ang mga ito sa kanilang Jetstar flight papuntang Phnom Penh nang ma-intercept ng immigration officer bunsod sa kahina-hinalang ikinikilos ng mga ito.

Ayon sa report, nagkunwaring mga turista ang anim na biktima at sa isinagawang inisyal na imbestigasyon, nadiskubre ng immigration officer on duty na magtratrabaho sa ibang bansa dahil sa una hindi magkakakilala at paiba-iba ang mga sagot sa tanong.

Ayon naman kay BI TCEU Acting Head Ann Camille Mina, bukod sa hindi magkakatugma ang mga sagot sa tanong, nadiskubre ng kanyang mga tauhan na peke ang return tickets ng mga ito.

Sa isinagawang imbestigasyon inamin ng mga ito na magtratrabaho sila bilang call center agent sa Cambodia at isiniwalat din ng grupo na na-recruite sila ng sindikato sa pamamagitan ng facebook.

Sa kasalukuyang sumasailalim ng imbestigasyon ang tatlo katao na pinaniniwalaan sangkot sa sindikato, kasunod ang paghahain ng kaso laban sa mga ito. FROILAN MORALLOS