TUTUTOK si Philippine National Police (PNP) chief, Police Lieutenant General Dionardo Carlos sa pangangasiwa para makamit ang peaceful May 2022 national and local elections.
Sa kanyang unang press conference bilang PNP chief, sinabi nito na ang anim na buwan niya bilang pinakamataas na opisyal ng police force ay matutuon lamang para sa serugidad ng 2022 polls lalo na’t nasa ilalim ng istraktura ng Commission on Elections ang pulisya gayundin ang Philippine Coast Guard.
“We foresee that we will be a deputized agency of the Comelec for this electoral exercise. Kapag kanya-kanya tayo, walang mangyayari diyan kaya kami, we perform based on the mandate and instruction of the Comelec to perform the duties under the implementation of the Omnibus Election Code,” ayon kay Carlos.
Sa ngayon uunahan na nila ang pagpaplano, pagsasanay kasama na ang red teamin at mag- perform professionally para sa peaceful election.
Nakaamba rin aniya ang duty rotation sa mga police officer lalo na sa mga pulis na may kaanak na tatakbo sa halalan.
“From there, tuloy tuloy na kung sino ‘yung aming dapat ilipat dahil may kamag anak silang tumatakbo and then mga field commanders natin na umupo na dun sa kanyang puwesto ng isang taon o mahigit ay titingnan natin. I-a-assess natin sila but again, inaalis natin yung familiarity doon sa incumbent o nakaupo kaya nagkakaroon tayo ng rotation policy,” paliwanag ni Carlos.
Paalala pa ni Carlos na non-partisan ang PNP at sinuman ang lumabag sa Omnibus Election Code ay maparurusahan. EUNICE CELARIO