TULAD sa isla ng Boracay, isasailalim din ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Bohol at El Nido sa anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon.
Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, gaya sa Boracay, ang pangunahing problema sa Bohol at El Nido ay ang kalidad ng tubig, improper sewage system, at easement violations.
“Tuloy-tuloy itong mga rehabilitation natin. Mayroon naman silang initiatives tulad ng Boracay, but we will go there and we have to remind them of their obligations,” ani Cimatu.
“’Yung mga kailangan talagang mag-close, eh i-rehabilitate niya ‘yung sarili niya na establishment. At ‘yung mga compliant, we will encourage them to continue,” sabi pa ng kalihim.
Gayunman ay hindi masabi ni Cimatu kung ilan ang mga establisimiyento na may paglabag.
Sa bigat ng environmental problem sa dalawang naturang tourism sites, sinabi niya na hindi tulad sa isla ng Boracay, ang rehabilitasyon ng El Nido at Bohol ay sasakop lamang sa maliliit na lugar na may kaunting government intervention.
“Malaki ‘yung Boracay na maayos kahit it took them 6 months. ‘Yung El Nido, I was told before that the water treat-ment plant will also take 6 months.”
Comments are closed.