6 CAAP EMPLOYEES SIBAK SA DROGA

droga

SINIBAK sa puwesto ng Ci­vil Aviation Authority (CAAP) ang kanilang anim na emple­yado matapos mapatunayan ng pamunuan na positibong gumagamit ng droga.

Ayon sa nakalap na impormasyon, ang sinasabing anim na empleyado na positibo sa droga ay pawang mga Job Order (JO) kung kayat agarang sinipa sa kanilang mga hinahawakang puwesto bilang mga airport facility cleaner.

Nabatid mula sa opisina ng Flight Surgeon and Aviation Medicine (OFSAM) ng CAAP  na  mahigit sa 2,000 kawani ang sumalang sa biglaang drug testing.

Dito napatunayan na anim na kawani ang naging positi­bong gumagamit ng shabu base sa lumabas na resulta mula sa random examination.

Nagsagawa ng drug testing  ang CAAP sa mga airport ng Tuguegarao, Kalibo, Mactan Cebu, Laoag, Bacolod, Dumaguete, Puerto Princesa, Zamboanga, General Santos, Iloilo, Davao, Legazpi, Laguindingan, Clark, Naga, Busuanga, Roxas, at Panglao bilang pagsunod sa kauutsan ni Secretary Arthur Tugade.

Sa kasalukuyan, 81 ang bilang ng paliparan na hawak ng aviation regulatory  at kabilang dito ang  Ninoy Aquino International Airport, Subic Bay International Airport, Clark International Airport, at Cebu-Mactan International Airport. FROILAN MORALLOS