QUIRINO – UPANG pigilan na makapasok ang sakit na pumapatay sa mga baboy, ang African Swine Fever (ASF), inilatag ng Department of Agriculture ang anim na checkpoints sa Region 2.
Sinabi ni Dr. Roberto Busania, regional technical director for operations and extension ng DA Region 2, na ang anim na checkpoints ay nasa Santa Praxedes Cagayan, Santa Fe at Kapaya sa Nueva Vizcaya at isa sa Nagtipunan, Quirino.
Mayroon ding checkpoints sa Isabela na pangunahin na sa mga bayan ng San Pablo at Cordon.
Sa mga inilatag na checkpoints ay mayroong nakatalagang mga kawani ng DA, Bureau of Animal Industry, at mga kinatawan ng local government unit (LGUs) at Philippine National Police (PNP).
Mahigpit aniya nilang sinusuri ang mga baboy at pork meat na pumapasok sa rehiyon upang matiyak na hindi nagtataglay ng sakit ang mga ito.
Tiniyak naman niya na wala pa namang naitatalang kaso ng ASF sa Region 2 at sa buong bansa. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM