INIHAYAG ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa red tide ang anim na coastal area sa bansa.
Ayon sa BFAR ilang lugar sa Visayas at Mindanao ang nagpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide higit sa regulatory limit.
Ang mga nasabing coastal area ay kinabibilangan ng Coastal waters ng Milagros sa Masbate, Coastal waters ng Dauis Tagbilaran City sa Bohol, San Pedro Bay sa Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at ang Coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Ayon sa BFAR, ang mga shellfish at alamang sa mga lugar na ito ay hindi ligtas na kainin.
Maaari namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t ito ay lulutuing mabuti.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are not safe for human consumption.”
“Fish, squids, shrimps, and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” ayon sa BFAR.
EVELYN GARCIA