DAVAO CITY – NATIKLO ng mga taga-Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao ang anim na dayuhan na resulta sa walang humpay na kampanya ng Bureau of Immigration laban sa mga illegal alien na nagtatago sa bansa.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naaresto itong sinasabing mga dayuhan sa ikinasang magkakaibang petsa ng operasyon ng Mindanao Intelligence Task Group (MITG) sa Davao City.
Sinabi sa report na nakarating kay Morente na nahuli ang mga ito dahil sa reklamo ng ilang mga residente tungkol sa ilegal na ginagawa ng mga foreigner sa kanilang lugar.
Naaresto ang mga suspek sa bisa ng isang mission order na inisyu nito na siyang naging dahilan upang i-operate ng BI intelligence sa General Santos City, sa kinaroroonan ng Indonesian na sina Jimbers Da Lema at Asupian Undingan .
Nabatid na report na nahuli na rin itong dalawa ng Criminal Investigation and Detection Group ng Sarangani RFU dahil sa pagbebenta ng pekeng local cigarettes.
Samantala, kasunod na nasakote ng BI agents ang Sri Lankan national na sina Warnakula Weerascity sa Davao del Sur at Uriya Jayathilaka alyas Anton Rowel, sa operasyon ng mga ito sa Tagum City Davao Del Sur.
Kasama sa naaresto sa Tagum City itong isang Korean na si Kim Yoonsig, at isang American na si Branden Fitzgeral Dandridge habang nagwe-wakeboarding sa isang resort sa Davao City.
Huli rin ang isang Chinese na isang Tony Co na kilala rin sa pangalan na si Alex Ubalde, na walong taon naninirahan sa bansa ng walang kaukulan papeles. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.