ANIM na dormitory sa loob ng Quezon Memorial Circle ang nakatakdang buksan bago magkatapusan ng buwan na ito, ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark A. Villar.
Ang mga dormitoryong ito ay nakapaloob sa memorandum of agreement (MOA) na napagkasunduan ng DPWH at Quezon City government na tinatawag na “We Heal as One Offsite dormitory” na gagamitn o titirahan ng doctors, nurses at iba pang medical professionals na nagtratrabaho sa mga ospital ng Quezon City.
Ang anim na dormitoryong ito, ay makaka-accommodate ng 192 doctors at nurses kasama na rin ang iba pang medical practitioners partikular na ang hospital workers sa jurisdiction ng Quezon City upang hindi na mahirapan sa pag-uwi habang nakikipaglaban ang bansa sa COVID-19.
Ito ay pangangasiwaan ng LGU batay sa nakapaloob sa MOA nina Secretary Villar at Quezon City Mayor Belmonte.
Habang ang Department of Health (DOH) ang tutulong sa implementasyon sa applicable health standard and protocols pagdating sa healthcare workers.
Ang mga medical personnel na maaring tumira sa dormitory ay mula sa National Kidney and transplant Institute, Philippine Heart Center, East Avenue Medical Center, Veterans Memorial Hospital, Childrens Hospital, at V. Luna General Hospital.
Nakapaloob din sa kasunduan na kapag hindi na kailangan, o tapos na ang problema sa COVID-19, aalisin ito at ang mga materyales ay ilalagay sa pangangalaga ng kagawaran upang magamit bilang temporary shelter ng mga maaapektuhan ng kalamidad. FROI MORALLOS
Comments are closed.