6 DRUG COURIERS SAKOTE SA SHABU SESSION

pot session

CAVITE – ANIM katao na sinasabing notoryus na drug courier ang nasakote ng mga awtoridad makaraang maaktuhan sa shabu session sa isinagawang anti-drug operation sa bahagi ng Barangay Cabuco, Trece Martirez City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Inihahanda na ang mga ebidensya para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 laban sa mga suspek na sina Mike Norwin Panglinan y De Jesus, 22; Resty Matel y Layno, 30; Jessilon Layson y Rosardo, 31; Christian Layson y Garcia, 35; Alyas Kenneth, at si Alyas Anwar na kapwa nakatira sa General Trias City, Cavite.

Base sa police report na naisumite ni patrolman Noel Misenas, ang mga suspek ay naaktuhan sa pot session bandang alas-6:30 ng gabi kung saan nakumpiska ang ilang drug paraphernalia, 3 plastic sachets na shabu at marked money.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay lantarang nagpapakalat ng shabu sa ilang barangay sa nasabing lungsod kung saan karamihang parokyano ay mga trike driver.

Isinailalim sa drug test at physical examination ang mga suspek habang isinailalim naman sa chemical analysis ang nasamsam na droga at nakapiit naman sa police detention center ang mga suspek.       MHAR BASCO

Comments are closed.