CAVITE – ANIM katao na sinasabing nasa drugs watchlist ang nasakote sa anti-drug operation ng pulisya sa magkahiwalay na bayan sa lalawigang ito.
Kinasuhan ang mga suspek na sina Jose Gumale ng Barangay Amaya; Loreto “June” Escanilla ng Barangay Poblacion 4; Jarley Banzuela, Sherwin Aquino, Christopher Austria, kapuwa nakatira sa Barangay Bucal sa bayan ng Tanza; Marilyn “Yarnie” Eriarte, 32, ng Barangay Kap Pepe Tubuan 3 sa bayan ng Silang.
Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, si Gumale ay nakumpiskahan ng tatlong plastic sachet ng shabu at ilang drug paraphernalia habang si Escanilla ay nasamsaman ng apat na plastic sachet ng shabu at marked money.
Gayundin si Banzuela na nakumpiskahan ng 4 plastic sachet na shabu sa buy bust operation ng pulisya sa bahagi ng Barangay Poblacion 4.
Samantala, sina Aquino at Austria ay naaktuhan sa pot session sa ilalim ng tulay sa Barangay Bucal sa bayan ng Tanza kung saan nasamsam ang ilang plastic sachet na may residue ng shabu at ilang drug paraphernalia.
Maging si Eriarte na itinuturing na street level target (STL) naman ay nakumpiskahan ng isang plastic sachet ng shabu at P200 marked money habang nagpapatuloy naman ang anti-drug operation ng mga awtoridad sa iba pang bayan ng lungsod sa Cavite. MHAR BASCO
Comments are closed.