KINANSELA ng Cebu Pacific at Cegbo kahapon ang kanilang mga flight papuntang Tacloban dahil sa isinasagawang emergency repair ng Tacloban Airport.
Kasabay nito nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM) na naglalayong ipatigil ang operasyon ng Tacloban Airport hanggang sa araw ng Miyerkules.
Kasabay nito, humihingi ang Cebu Pacific at Cegbo ng paumanhin sa mga kliyente sapagkat hindi na nila ito kontrolado at kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga ito sa CAAP para sa seguridad at operability ng runway.
Ang mga kanseladong flight ay ang Cebu-Tacloban-Cebu, Cegbo DG 6569/6570, 5J 649/650 Manila-Tacloban-Manila at ang 5J 2901/2902 Manila-Tacloban-Manila.
At ipinagbibigay-alam din ng Cebu Pac sa mga apektadong pasahero na ang rebooking ay free of charge at walang fare difference para travel hanggang 30 araw mula sa original flight date o kaya full refund. FROILAN
MORALLOS