(6 float nabalahaw) MMFF PARADE NAGING PANLUNAS SA STRESS NG MGA NA-ISTRANDED

parade

PARAÑAQUE CITY – BAGAMAN bahagyang nagsikip ang daloy ng mga sasakyan, marami pa ring mga kababayan ang na-inspire at nasiyahan nang masilayan ang mga nasa puting tabing nang mapanood nang personal ang 2018 Metro Manila Film Festival Parade of Stars.

Nagsimulang umusad ang parada bandang alas-2:30 ng hapon lulan ang mga bida ng mga pelikulang kalahok sa MMFF.

Marami ang huma­nga sa float ng “Fantastica” na pinangunguhan ni Vice Ganda.

Naipit naman sa ma­tinding trapik sina Jericho Rosales at Jessy Mendiola na bida sa pelikulang “The Girl In The Orange Dress” na napilitang maglakad na lang ang dalawa para makaabot lang sa parada.

FLOAT NINA VIC, MAINE AT COCO NAGKAABERYA

Samantala, hindi naman inasahan na magkaroon ng aberya sa parada. Dahil sa maputik na paradahan ng mga makukulay na float, nabalahaw ang anim sa walong float na magsasakay sana sa mga bida ng pelikula, kabilang na rito ang “Jak Em Popoy:The Pulis Credibles,” “Mary, Marry Me,” “Aurora,” “OTLUM,” “One Great Love” at “Rainbow’s Sunset.” PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.