ISABELA – ANIM na magkamag-anak ang nasawi matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay alas-2:245 ng madaling araw sa kanilang inuupahang apartment sa Greenland Homes Subdivision, Plaridel, Santiago City.
Kinilala ni Chief Insp. Reynaldo S. Balunsat, OIC chief of police Station 2, Santiago City Police Station ang mga biktimang magkakamag-anak na sina James Cabahog, Love-love Boligor, mag-asawa, pawang nasa hustong gulang; Mark Melborn Boligor, 13-anyos, grade 8; Zedrick Lyod Boligor, 16, grade 10; bahang nasawi rin ang dalawang pamangkin ng mag-asawang James at Love love na sina Krisha James, 3, at si Raven James, 5-anyos.
Sa pahayag ni SFO1 Alberto Timbal, imbestigador ng BFP Santiago City, isang naninirahan sa nasabing subdivision ang personal na nagtungo sa kanilang himpilan upang ipagbigay- alam na may nasusunog na bahay.
Rumesponde ang pamunuan na pamatay sunog sa lugar kung saan dinatnan nilang kasalukuyang nilalamon ng apoy ang isang apartment kung saan nakulong ang anim na magkakamag-anak sa loob habang nasusunog ang inuupahan nilang apartment na walang nakalabas sa kanila, dahil sa naka-double lock umano ang kanilang pintuan at ang gate kung kaya walang nakalabas sa anim na biktima.
Ayon naman sa kanilang mga kapitbahay, narinig nilang humihiyaw ang anim na biktima na humihingi ng tulong subalit wala silang magawa dahil sa malaki na umano ang apoy.
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)-Isabela, posibleng na-suffocate ang anim na biktima.
Natagpuan nila sa loob ng kusina ang mga ito na magkayakap at buo pa ang kanilang mga kasuotan. IRENE V. GONZALES
Comments are closed.