BULACAN-ANIM katao ang arestado makaraang mahuli sa aktong ninanakaw ang mga kable ng telepono sa bayan ng Marilao sa lalawigan.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PRO3 Regional Director BGen.Matthew Baccay, kinilala ang mga nadakip na sina Mark Christopher Reyes Y Esteron, Randolfh Cruz Y Orejudos, Daniel Hernando Y Aňasco, Junfel Bryan Belen Y Lagrido, Joeven Garlit Y Libaoco at Raymond Salvador, kapwa nasa hustong gulang.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, nahuli sa akto ng roving guard ng RacitelCom, isang telephone company ang mga suspek na ninanakaw ang telephone wires ng kumpanya ganap na ala-6:30 ng gabi sa Brgy, Saog sa nabangit na bayan.
Dahil dito, agad nagsumbong sa pulisya ang sekyu na nagresulta sa pagkakadakip ng anim na kawatan habang nakatakas ang dalawa pa sa mga kasama nito.
Na recovered ng mga awtoridad ang 770 meters ng telephone wires na nagkakahalaga ng P2,772,000.00,
At ang 200 pares ng 22 gauge cable wire na tinatayang nasa 350 meters, 3 units hagdan,isang set toolbox ,2 units ng Suzuki Carry Fb Van na kapwa plakang RFW 283 at NET 9819.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa Marilao Municipal Jail sa kasong pagnanakaw.
THONY ARCENAL