PINAGTIBAY muli ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pangako nitong wakasan ang matagal nang problema sa pabahay sa bansa sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Habang tinatapos ng ahensiya ang National Shelter Month, sinabi ni DHSUD Secretary Jerry Acuzar na nagsusumikap silang maisakatuparan ang kanilang layunin na makapagtayo ng isang milyong pabahay bawat taon sa loob ng anim na taon.
“We see the role of LGUs (local government units) as one of the key components to gradually address or even put an end to the challenges we are facing in the housing sector. They are our allies in development,” pahayag ni Acuzar sa isang press briefing sa Quezon City nitong Huwebes.
Aniya, ito ay naglalayong makatulong na matugunan ang backlog ng pabahay sa bansa.
Sinabi ni Acuzar na target ng low-cost housing program ang mga minimum wage earners, kung saan ang kada unit ay nagkakahalaga ng average na P3,000 kada buwan.
“Tatapusin natin ang problema ng pabahay sa Pilipinas,” giit ni Acuzar.
Dumalo rin sa programa si Bacolod City Mayor Albee Benitez bilang pangunahing tagapagsalita.
“It’s my pride that the Department of Housing we created in the 17th Congress is in good hands,” dagdag ng alkalde. BENEDICT ABAYGAR, JR.