NORTHERN SAMAR – KINUMPIRMA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang karagatan ng nasabing lalawigan, kahapon.
Naramdaman ang lindol alas-11:39 ng umaga at na-trace sa 34 kilometro sa hilaga ng munisipalidad ng Pambujan.
Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang aftershocks ngunit walang naitalang pinsala sa lindol.
Sinundan ito ng magnitue 4.0 na lindol sa layong 29 kilometro sa hilaga ng munisipalidad ng Pambujan, ayon sa isa pang advisory na inilabas makalipas ang ilang minuto ng state volcanologist.
EVELYN GARCIA