MAGUINDANAO DEL SUR – ANIM na mga loose firearms ang isinuko ng mga residente ng bayan ng Datu Saudi Ampatuan sa lalawigang ito.
Ang mga matataas na uri ng baril ay isinuko sa pamamagitan ng ‘Balik Baril Program’ na magkakasamang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan ng Datu Saudi Ampatuan at ng Task Force 92 na binubuo ng 92nd Infantry (Tanglaw Diwa) Battalion, DSA MPS at JPST.
Ayon kay Lt. Col. Rommel Agpaoa, pinuno ng 92IB, ang nasabing programa na isinusulong ng lokal na pamahalaan, pulisya at sundalo ay naglalayong mapalakas ang kampanya laban sa paglaganap ng loose firearms at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lugar.
Ikinagalak naman ni Major General Alex S. Rillera, Commander ng 6ID at JTF-Central ang hakbang na ito ng mga residente ng Datu Saudi Ampatuan upang mawala ang instrumento ng karahasan. VERLIN RUIZ