6 MAUTE/ISIS MEMBERS SUMURENDER

MAUTE-ISIS

LANAO DEL SUR -ANIM na miyembro ng teroristang Maute-ISIS (Islamic State of Iraq and Syria-Levant) ang sumuko sa pinagsanib na militar at pulisya noong Lunes ng gabi sa bayan ng Sultan Dumalondong.

Sa ulat na nakara­ting sa PILIPINO Mirror mula sa tanggapan ni Chief Supt. Graciano Mijares, regional director ng Police Region Office-Autonomous Region in Muslim Minda­nao (PRO-ARMM), ang mga nagsisuko ay sina Kasanudin Hadji Razul, magsasaka; Hizam  Imran, may-asawa; Salic Musa Mangao, Tabybo Abaser Kandi, Songra Hadji Razul at Nader Musa Mangao, pawang magsasaka at nakatira sa Barangay Sumalindao sa nasabing bayan.

Naging saksi naman sa pagsuko ng anim ang mga tauhan ng Sultan Dumalondong Municipal Police Station, 49th Infantry Battalion at Intelligence Personnel ng Police Provincial Headquarters.

Naganap ang pagsuko, alas-6 ng gabi noong Lunes habang isinurender din ng mga ito ang kanilang mga armas na tatlong yunit ng M79 defaced at isang unit ng 50 cal. barret.

Tiniyak naman ni Mijares na magpapatuloy ang kanilang ugnayan sa militar para sa pagpapasuko ng mga dating terorista habang ang mga isinukong armas ay dinala sa ACP Headquarters sa Butig, Poblacio, Lanao del Sur.

“We will continue out collaboration with our AFP counterparts and members of the community to encourage other remaining Maute/ISIS members to surrender.”               EUNICE C.

Comments are closed.