6 MIYEMBRO NG CNT SUMUKO

ISABELA-ANIM na miyembro ng Communistang NPA terrorist (CNT) na may dalang matataas na kalibreng armas ang boluntaryong sumuko sa pamahaan sa lungsod ng Ilagan at probinsiya ng Nueva Viscaya nitong Oktubre 14 at 15.

Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Nethan, 29-anyos, squad leader;alyas Gerber, 26&anyos, squad vice leader;alyas Jazzel, 27-anyos,kasapi sa squad uno; alyas Rey,27-anyos, team ledear ng squad dos; alyas Rod, 51-anyos, Giyang Pampulitika ng squad 3, lahat ay nanggaling sa regional sentro da grabidad ng komiteng rehiyon ng Caga­yan Valley kasama ang buong tropa ng 95th battalion 502nd Infantry brigade at PNP region 2 sa Ilagan City nang mapag desisyunang talikuran ang teroristang organisasyon.

Sa Nueva Viscaya naman si alyas Rod Komoteng lay sumuko sa pamamagitan ng pinagsanib puwersa ng PNP at NICA, base sa rebelasyon ng bagong sukong rebelde ang natitirang CTN ay pagod na sa pagtakbo at pagtago sa sandatahang lakas ng gobyerno at wala na silang lugar na pagtataguan.

Ayon kay LTC.Carlos SAngdaan Commanding officer ng 95th IB nagpasalamat pa ang mga dating rebelde sa pagsuporta ng gobyerno sa pagsuko at pagbaba ng kanilang mga armas.

Samantala,pinalalahanan ni Brig.Gen.Danilo Benavides, Commander ng 502 IB brigade ang kaniyang tropa na pairalin ang kapayaan sa probinsiya ng Isabela.Pinayuhan ang mga niloko ng NPA na sumuko sa pamahalaan at handang tulungan kung sila ay kusang susuko at magkaroon ng bagong buhay kapiling ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon naman kay BGen.Steve Ludan, director ng PNP region 2 na huwag na magkaroon ng pagdanak ng mara­ming dugo.

Nagpapasalamat naman si MGen.Laurence Mina, commander ng 5th Infantry Division ng Phillipine Army sa mga dating rebelde sa pagtugon sa panghihikayat sa kanila ng gobyerno upang sumuko sa pamahalaan. IRENE GONZALES

132 thoughts on “6 MIYEMBRO NG CNT SUMUKO”

  1. 27347 964463Youre so cool! I dont suppose Ive read anything such as this before. So nice to get somebody with some original thoughts on this subject. realy we appreciate you starting this up. this fabulous web site are some items that is required on the internet, somebody with a bit originality. beneficial function for bringing a new challenge on the world wide internet! 644188

  2. 271671 430657I merely ought to let you know that you have written an superb and unique post that I really enjoyed reading. Im fascinated by how well you laid out your material and presented your views. Thank you. 201926

Comments are closed.