AGUSAN DEL NORTE- BOLUNTARYONG sumuko ang anim na miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa pinagsanib na puwersa ng Cabadbaran City Police Station at ng 29th Infantry “Matatag” Battalion Headquarters sa Purok 4, Brgy Del Pilar ng nasabing lalawigan.
Batay sa report ang mga sumuko ay nakilalang sina Vicente Tello Moldez alias Reb-reb, Team Leader sa Edukasyon Propaganda, residente sa Brgy San Roque, San Miguel, Surigao del Sur; John Paul Mandag Salahay alias Lawin, miyembro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 21C, sa humihina ng Guerilla Front 21, Northeastern Mindanao Regional Committee; Wawie Mandag Salahay alias Sorating, Team Leader ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 21A sa nasabi ring Guerilla Front 21, Northeastern Mindanao Regional Committee.
Sumuko na rin sina Caryl Alvarez alias Angel, Erwin Sandag Enriques alias JR at Angelo Sales alias Sky/Carlo/Third, pawang miyembro ng Regional Sentro de Grabedad, Northeastern Mindanao Regional Committee.
Sa ginawang pagsuko ng mga suspek ay isinuko rin nila sa mga awtoridad ang kanilang mga armas ang isang AK47 riffle, dalawang AR15 riffles, tig-isang M4Carbine at M14 riffle pati na ang 6 na mga buhay na bala nito. EVELYN GARCIA