6-MONTH OLD BABY NATURUKAN NG COVID-19 VAX

LABIS ang pangamba ng isang magulang makaraang aksidenteng maturukan ng COVID-19 vaccine ang kanyang anim na buwang gulang na anak sa Santa Maria, Bulacan.

Ayon sa ina, sa halip na pneumococcal vaccine, bakuna kontra COVID-19 ang naiturok sa kaniyang anak noong Disyembre 29 sa health center.

Pangamba ng hindi pinangalang ina ang adverse effect sa internal organs ng kanyag anak at natatakot na maging special child.

Samantala, iniimbestigahan na ng local government unit at health officials ang insidente, habang mino-monitor din ang kondisyon ng sanggol na ngayon ay nilalagnat umano.

Nagpaalala si Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National Vaccination Operations Center, sa mga nagbabakuna na iba dapat ang refrigerator ng COVID-19 vaccines sa regular na bakuna.
THONY ARCENAL