6-MONTH PREGGY ‘INALAT’ SA BALA, MISTER SUGATAN

pagbabarilin

TAGUIG CITY –PATAY ang anim na buwang buntis habang malubha ang kaniyang mister nang barilin ng apat na kalalakihan kahapon ng madaling araw sa lungsod na ito.

Kinilala ang nasawi na si Michelle Sarsalego,28-anyos.

Sakay ang biktima at mister nito ng van pa­puntang Pasig City para bumili ng mga gulay nang pagbabarilin ang mga ito ng mga salarin sa Barangay South Signal.

Ayon sa mga saksi hinarang ng dalawang motorsiklo ang sinasakyang van ng mga biktima.

Hinala ng pamilya na may kinalaman sa negosyo ang pag-atake sa dalawang biktima at ang mga ito ay nakatanggap na ng banta sa kanilang mga buhay. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.