CAVITE – ARESTADO ang anim na sinasabing nasa talaan ng most wanted person sa isinagawang malawakang manhunt operation ng mga awtoridad sa ilang lungsod sa nasabing lalawigan kamakalawa.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, unang nasakote ang suspek na si Rodson Solomon y Flores sa Brgy. Sta. Cruz 2, Dasmarinas City na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Rhodalyn Dapul-Artazo ng Municipal Trial Court sa kasong attempted homicide noong Hulyo 4, 2020.
Sumunod na naaresto ang suspect na si Bryan Macaspac y Related na inisyuhan ng warrant of arrest ni Judge Dionne B. Palao-Legaspi ng Dasmarinas Municipal Trial Court sa kasong Resistance and Disobedience to an agent of Person in Authority noong Enero 30, 2020.
Arestado rin ang Top 1 most wanted person na si Romy Sendon y Sernal sa bahagi ng Brgy. Luciano, Trece Martirez City, Cavite na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Bernhard B. Beltran ng Regional Trial Court Branch 36 sa Iriga City, Camarines Sur sa kasong Qualified rape.
Nalambat din ang wanted person na si Jayson Cunanan y Ibe sa kasong robbery na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Matias M. Garcia ng RTC Branch 19 ng Bacoor City habang si Rosendo Mapalo y Ragaodao ay naaresto rin sa Brgy. 36-A, Cavite City sa kasong paglabag sa RA9165 na inisyuhan ng warrant of arrest ni Judge Franco Paulo R. Arago ng RTC Cavite City.
Pinakahuling nasakoteng wanted person si Lucilda Florendo y Lucio sa Brgy. Pasong Camachile 1, General Trias City na may warrant of arrest na inisyu ni Judge Rocille S. Aquino-Tambasacan ng Imus City RTC Branch 22 sa kasong paglabag sa BP33 (PD1865) at RA 8293. MHAR BASCO
Comments are closed.