6 NA KARAGATAN SA BANSA APEKTADO PA RIN NG RED TIDE

RED TIDE-5

PATULOY na pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko sa paghango at pagkain ng shellfish sa ilang coastal water sa bansa na apektado pa rin ng red tide poison.

Base sa pinakahuling shellfish bulletin na inilabas ng BFAR, mataas pa rin ang antas ng paralytic shellfish poison sa mga karagatan ng San Pedro Bay sa Western Samar, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, Dauis at Tagbilaran City, Bohol, Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental.

Ibig sabihin hindi pa rin maaaring kainin ang mga lamang dagat na nakukuha rito tulad ng alamang, tulya at tahong.

Maaari namang kainin ang mga nahuhuling isda, hipon, pusit at alimango basta’t linisin lamang ng mabuti bago lutuin.

Ayon naman kay BFAR Director Eduardo Gongona, lahat ng mga shellfish na nakukuha sa Parañaque, Cavite, Manila Bay at kalapit lugar ay ligtas namang kainin.

Comments are closed.