6 NA NAULILA NG PULIS AT SUNDALO INAYUDAHAN

DAVAO CITY: SINAMAHAN ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa pagbibigay ng benepisyo sa mga sugatan at naulila ng mga pumanaw na sundalo bilang Pagpupugay sa mga Bayani ng Bansang Makabayan sa Davao City.

Sa idinaos na ceremonial awarding, tumanggap ng tulong ang anim na beneficiaries ng Comprehensive Social Benefits Program o CSBP.

Ang mga benepisyaryo ay mga pamilya ng mga namatay o nasugatang sundalo, pulis, at iba pang kasapi ng ahensya ng pamahalaan na ang mandato ay panatilihing ligtas ang ating bansa mula sa banta ng kriminalidad at terorismo.

Kabilang sa mga benipisyo ay tulong medikal, pinansyal, edukasyon, trabaho, pabahay at iba pang welfare assistance.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni VP Sara na ang CBSP ay pagkilala sa katapangan, walang takot at hindi mapapasubaliang katatagan ng mga bayaning sundalo ng bansa sa harap ng mga pagsubok at kahirapan.

Bukod kay VP Sara kasama rin ng Pangulo sina DILG Secretary Benhur Abalos, Health Secretary Ted Herbosa, at Special Assistance to the President Anton Lagdameo.
Elma Morales