6 OFWs POSITIBO SA COVID-19

covid-19-testing

MAY anim na bagong Overseas Filipino Workers (OFWs) ang napaulat na nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 11,423 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na OFWs mula sa 81 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,228 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Tatlo naman ang bagong gumaling kung kaya 7,367 na ang Overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Gayundin, wala naman bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 828 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OFWs  sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,492 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,266 confirmed COVID-19 positive cases at  nasa 816 naman ang kaso sa America at 1,849 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste ang ahensiya sa mga Filipino na apektado ng CO­VID-19 pandemic. LIZA SORIANO

One thought on “6 OFWs POSITIBO SA COVID-19”

Leave a Reply

Your email address will not be published.