6 OSPITAL SA MAYNILA NAKA-RED FLAG

KASALUKUYANG naka- “red flag” ang anim na pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila kaugnay sa kapasidad sa pagtanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, baka hindi na kayanin ng mga ospital ang sitwasyon ngunit tiniyak naman nito na agad gagawan ng pa­raan ang isyu upang mabigyan ng karampatang lunas ang mga pasyente ng COVID-19 na nanga­ngailangang ma-admit o ma-confine.

Ang mga district hospital sa Maynila ay ang Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital at Justice Jose Abad Santos Medical Center at nasa 75% na ang occupancy rate.

Ani Moreno, mula sa kabuuang bilang na 523 COVID-19 beds ay nasa 382 na ang okupado rito.

Kaugnay nito, sinabi pa ng alkalde na nasa 46% lamang ang occupancy rate sa mga quarantine facilities sa Maynila.

Sa 870 bed capacity ng mga quarantine facility ay nasa 399 lamang ang okupado, kaya may sapat pang puwesto para sa mga kailangang sumailalim sa quarantine.

Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang libreng RT-PCR swab testing ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Quirino Grandstand sa pamamagitan ng drive-thru at walk-in naman sa Sta. Ana Hospital at sa Delpan Quarantine Facility.

Sa mga nais aniyang magpasuri ay makipag-ugnayan muna sa Manila Emergency Operation Center ng (MHD) para makapag-schedule ng appointment.

Batay sa pinakahu­ling datos ng MHD, nasa kabuuang 4,083 na ang aktibong kaso ng CO­VID-19 sa lungsod ng Maynila kung saan nasa 46,395 naman ang mga gumaling na sa nasabing sakit habang pumalo na sa 1,018 ang nasawi. PAUL ROLDAN

2 thoughts on “6 OSPITAL SA MAYNILA NAKA-RED FLAG”

  1. 464621 440605I genuinely enjoy your site, but Im having a difficulty: any time I load one of your post in Firefox, the center of the web page is screwed up – which is bizarre. Might I send you a screenshot? In any event, maintain up the superior work; I surely like reading you. 693269

Comments are closed.