(6 patay, 46 nawawala, 31 sugatan) 2 BUS NAGUHUAN; 86 EMPLEYADO NG MINAHAN NA-TRAP

DALAWANG bus na lulan ng 86 empleyado ng Apex Mining at naghihintay lamang sa mga pauwing empleyado ang naguhuan sa Maco, Davao de Oro.

Ang nasabing sakuna ay kumitil umano ng anim na buhay, 31 ang sugatan kabilang ang tatlong kritikal, 46 pa ang nawawala habang 285 pamilya ang inilikas, batay sa ulat na ng AFP Eastern Mindanao Command.

Sa report mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office-Maco(MDRRMO-Maco), hanggang alas-2 ng hapon, Peb rero 7, sinabi ni Col. Rosa Ma. Cristina Rosete-Manuel, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines Eastern Mindanao Command, may narekober silang anim na bangkay, habang 31 ang na-rescue na pawang sugatan.

“Based in the initial report (for validation) from MDRRMO Maco, Davao De Oro, as of 2:00PM today (February 7, 2024), there are (6) dead bodies recovered in the landslide and thirty one (31) rescued, all injured.” Subalit kahapon bandang als 2:00 ay sinasabing ito na ang updated reports

Habang may 46 naman ang inulat na nawawala o posibleng na trap bunsod ng pagguho ng lupa .
Nasa 758 families naman ang inilikas sa mga evacuation centers.

Nagpapatuloy pa rin ang rescue and retrieval operations ng mga sundalo, government and provincial rescue teams at iba pang ahensiya.

Naganap ang landslides pasado alas- 7:00 ng Martes ng gabi kung saan natabunan ang dalawang bus na naghihintay at susundo sa mga tauhan ng ApeX Mines habang nakaparada sa isang komunidad na nasa labas ng mining site sa Barangay Masara, bayan ng Maco. VERLIN RUIZ