SULU-DAHIL sa away sa lupa ng dalawang angkan, anim katao ang nasawi sa bayan ng Indanan.
Nag-ugat ang away sa pamimitas ng prutas ng menor de edad na miyembro ng isang pamilya sa nasasakupang lupain ng kalabang pamilya.
Sa ulat , binihag muna ng kalabang pamilya ang mga biktima sa Barangay Bunot.
Batay sa ulat ng Indanan Municipal Police Station, namagitan ang local government sa Sulu para lutasin ang sigalot ng dalawang angkan subalit lumala ang laban na nagresulta ng barilan.
Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang magkalabang angkan gayundin ang nasawi at nabihag.
Matagal nang alitan sa boundary ng kanilang mga sakahan ang dalawang pamilyang Tausug na sangkot sa barilan.PMRT